Paglalagay ng dalawang exit points at malimit na pagsasagawa ng calamity drills sa gov’t agencies, isinulong ng DILG

by Radyo La Verdad | June 15, 2016 (Wednesday) | 1162

JOSHUA_COMMUNITY-DRILL
Malaki ang pinsalang iniwan sa Visayas nang tumama ang bagyong yolanda at magnitude 7.2 na lindol sa Bohol noong 2013.

Kaya upang mapaghandaan na ang ganito kalalaking kalamidad, mas pinagting ng Department of the Interior and Local Government ang disaster awareness at preparedness sa mga komunidad.

Isinusulong rin ng DILG ang mas madalas na pagsasagawa ng earthquake at fire drills upang masanay ang mga empleyado ng local government units sa mga dapat gawin kapag may sakuna.

Nais rin ng dilg na lagyan ng dalawa o mas maraming exit points ang bawat estabilisimyento upang madaling makalabas kapag may sunog o lindol.

(UNTV RADIO)

Tags: ,