Pinag-aaralan na ng Department of Justice o DOJ na isailalim sa Witness Protection Program ng pamahalaan si SPO3 Ricky Sta.Isabel.
Si Sta.Isabel ay isa sa mga itinuturong sangkot sa pagdukot sa Korean national na si Jee Ick Joo sa tahanan nito sa Angeles, Pampanga noong Oktubre 2016.
Sa kasalukuyan ay nasa ilalim ng protective custody ng National Bureau of Investigation o NBI si Sta. Isabel.
Ayon kay Justice Secretary Vitaliano Aguirre II, posibleng maging witness sa kaso ang pulis.
Dagdag pa ni Aguirre, marami pang high ranking PNP officials ang posibleng sangkot sa kidnapping incident.
Bukod pa ang mga ito sa siyam na una nang kinasuhan ng kidnapping at serious illegal detention sa DOJ, tatlo sa mga ito ay mga pulis na aktibo sa serbisyo.
Sa kasalukuyan ay patuloy pa ang imbestigasyon ng NBI sa insidente.
Kahapon, ininspeksyon ng NBI Task Force Against Illegal Drugs ang isang crematorium sa La Loma,Quezon City kung saan hinihinalang crinemate ang labi ng biktimang si Jee Ick Joo.
(UNTV News)
Tags: Paglalagay kay SPO3 Ricky Sta. Isabel sa WPP, pinag-aaralan na ng DOJ