Paglalabas ng TRO ng Suprene Court sa “No-Bio,No-Boto” ng Comelec ikinagalak ni Senator Bongbong Marcos

by Radyo La Verdad | December 2, 2015 (Wednesday) | 2791

marcos
Ikinagalak ni Senator Ferdinand Marcos, Jr. ang paglalabas ng Supreme Court ng temporary restraining order laban sa “no-bio, no-boto” ng Commission on Elections.

Pinigil ng TRO ang pag-aalis sa listahan ng mga kwalipikadong botante na mga nagrehistro pero walang biometric information na tinatayang aabot sa mahigit na tatlong milyong katao.

Ayon kay Marcos, maganda umano ang naging desisyon ng Supreme Court na maglabas ng TRO sa polisiyang ipinatutupad ng Comelec dahil ayon sa senador ang pagboto lamang ang tanging pagkakataon upang maipahayag ng mga tao ang gusto nilang mangyari sa gobyerno.

Depende pa rin sa desisyon ng korte sa merito ng kaso kung talagang makakaboto sa May 2016 ang mga botante na rehistrado nga ngunit wala namang biometric data.

“Sa paniwala ko ang karapatan sa pagboto ay pangunahing sangkap ng demokrasya kaya’t ano mang duda ay dapat magbigay ng higit na pagpapahalaga sa karapatan ng isang kwalipikado at rehistradong botante na makaboto,” giit ni Marcos.(Meryll Lopez/UNTV Radio Correspondent)

Tags: , , , ,