Paglalabas ng import clearance sa galunggong at iba pang isda, sinuspinde ng DA

by Radyo La Verdad | December 15, 2022 (Thursday) | 4797

METRO MANILA – Sinuspinde ng Department of Agriculture (DA) ang paglalabas ng sanitary and phytosanitary import permit para sa mga isdang galunggong, bonito, mackerel, moonfish, pampano at tuna by-products.

Kasama sa mga hindi makakapag angkat ay ang mga industriyal buyer na pinoproseso ang produkto gaya ng mga de lata.

Ayon kay Agriculture Deputy Spokesperson Rex Estoperez, ito ay para maiwasan ang pagbaha ng mga imported na isda sa merkado.

Sapat na aniya ang 25,000 metric tons ng isdang unang pinayagan ng DA na angkatin. Sa ngayon ay sumasailalim sa review ang fisheries administrative order na naglilimita sa destinasyon ng mga imported na isda.

Tags: , , ,