Paglalabas desisyon ng CA tungkol sa appointment ni Sec. Gina Lopez, ipinagpaliban

by Radyo La Verdad | March 10, 2017 (Friday) | 1352


Ipinagpaliban ng Commission on Appointment ang paglalabas ng resulta tungkol sa appointment ni Sec.Gina Lopez bilang kalihim DENR.

Ayon kay Senator Manny Pacquiao, sa darating na Martes ay magkakaroon muna ng caucus o executive session ang mga miyembro ng komite upang pag-usapan ang kumpirmasyon nito.

Sa ginawang confirmation hearing dumaan sa matinding interogasyon ang kalihim mula sa mga oppositors sa kanyang confirmation.

Nasa 20 oppositors ang dumalo sa confirmation hearing na kinabibilngan ng mga kinatawan ng Chambers of Mines in the Philipiines, Mining Engineers, UP Miner, at mula sa Pambansang Coalition na binubuo ng mga geologist, scientist at scholars, at mga kumakatawan sa Sanguniang Panlalawigan ng Surigao del Norte at grupo ng mga manggagawang nawalan ng hanap buhay sa pagmimina, health workers, at minero ng Zambales.

Giit ng mga oppositor, walang kapasidad, hindi kwalipikado at walang sapat na kaalaman si Lopez upang pamunuan ang DENR.

Anila, tila hindi nito napag-aralan mabuti ang sitwasyon ng mining industry bago ipinasara o sinuspinde ang ilang minahan sa bansa.

Sinabi naman ni Sec. Lopez na may mga pagkakataon talaga na nagiging emosyunal siya pagdating sa pagtugon sa kanyang tungkulin ngunit iginiit na suportado naman ng batas ang kanyang mga naging hakbang.

Ayaw rin aniyang makipag-away sa mga tao ngunit may tungkulin siya na protekahan ang kalikasan.

Binigyang diin pa ng kalihim na handa siyang makipag-trabaho sa mga mining company na susunod sa safety laws.

(Aga Caacbay / UNTV Correspondent)

Tags: , ,