Paglaki ng populasyon ng Pilipinas ngayong 2021, bumaba sa nakaraang 7 dekada

by Radyo La Verdad | December 30, 2021 (Thursday) | 2588

METRO MANILA – Umangat ang populasyon ng Pilipinas ngayong taong 2021 ng 324,000 o nasa 0.3% kumpara sa datos noong taong 2020 na may 914,797 births.

Batay sa ulat ng Commission on Population and Development (PopCom), ang ganitong taunang naturang pagtaas nito ay pinakamababa sa nakaraang 1946 hanggang 1947 kung saan umakyat sa 254,000 ang populasyon.

Ayon kay PopCom Chief Dr. Juan Perez III, nananatiling maingat ang mga Pilipino sa pagkakaroon o pagbuo ng pamilya dahil sa nararanasang krisis sa kalusugan at ekonomiya at iilan din naman ay nagpapatuloy sa pamamagitan ng family planning method.

Ang nasabing datos ay galing sa pagkalkula ng PopCom base sa pang-unang ulat ng Philippine Statistics Authority (PSA) mula Enero 2021 hanggang Agosto 2021.

Sa pagtaya nito, nasa 109,991,095 ang kabuoang bilang ng populasyon ng Pilipinas sa katapusan ng taong 2021 na mas mababa sa 2 milyon kaysa sa earlier projection base sa 1.63% ng population growth rate nito.

Dagdag pa ni Perez, ang ganitong pagbaba sa taong 2021-2020 ay nangangahulugang may mas malaking tsansa na makabangon ang bawat pamilyang Pilipino sa nararanasang pandemya kasama pa rito ang pagtugon ng nasyonal at lokal na pamahalaan sa pagbibigay ng pangangailangan at serbisyo.

(Daniel Dequiña | La Verdad Correspondent)