Paglago ng eknomiya ng Pilipinas noong 2023, bumagal sa 5.6% – PSA

by Radyo La Verdad | February 1, 2024 (Thursday) | 7177

METRO MANILA – Bumagal ang naitalang paglago ng ekonomiya ng Pilipinas sa kabuoan ng taong 2023.

Base sa report ng Philippine Statistics Authority (PSA) naitala sa 5.6% ang Gross Domestic Product (GDP) ng bansa noong 4th quarter ng 2023 na mas mabagal kumpara sa 6% noong 3rd quarter ng nakaraang taon.

Mas mababa rin ito sa 7.1% GDP growth rate na naitala noon sa kaparehong quarter noong 2022.

Sa kabuoan ng 2023, umabot lamang sa 5.6% ang economic performance ng bansa, na mas mabagal kumpara sa 7.6% na naitala noong 2022.

Dahil dito hindi naabot ang target sana ng gobyerno na 6%-7% GDP growth rate ngayong taon.

Tags: , , ,