Malaki ang kinalaman ng panahon sa paglaganap ng isang sakit.
Sa pag-aaral na ginawa ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration o PAGASA noong 1998,may mga sakit na apektado ng temperatura at pag-ulan.
Isang halimbawa nito ay kapag tumaas ang temperatura ay posibleng sa mga susunod na buwan ay tumaas na rin ang bilang ng kaso ng dengue at malaria.
Isa namang indikasyon ang madalas na pag-ulan sa posibleng pagdami ng virus.
Ayon kay Niño Relos, Asst. Weather Services Chief ng PAGASA, mas malalakas ngayon ang strain ng mga virus dahil na rin sa global warming.
Sinabi ni Relos na ang pag-aaral na ito ay maaaring magamit ng pamahalaan upang maagapan ang paglaganap ng sakit at maiwasan ang pagdami ng casualty.
Nailatag na ng PAGASA ang pag-aaral na ito sa Germany at Malaysia habang noong 2011 ay naimbitahan din sila sa Iran.
(Rey Pelayo / UNTV Correspondent)
Tags: Paglaganap ng sakit, pamamagitan ng klima, posibleng mahulaan