Inirekomenda na ng Department of Environment and Natural Resources Secretary Ramon Paje sa National Disaster Risk Reduction and Management Council na isama na ang banta ng haze sa disaster preparedness ng bansa.
Paliwanag ng kalahim, kung ang haze ay maisasama na sa paghahanda ng pamahalaan tulad sa mga kalamidad ay magkakaroon na rin ng mga protocol na ipatutupad ng mga kinauukulang ahensya ng pamahalaan.
Halimbawa na rito ang mga ginagawang rekomendayon ng Department of Health na pagsusuot ng mga face mask
Samantala, sinabi pa ng kalihim na posibleng umabot pa ng hanggang anim na buwan ang banta ng haze.
Patuloy rin na minomonitor ng ahensya ang haze sa ilang pang mga lugar sa Mindanao Region partikular na sa Koronadal sa South Cotabato kung saan umabot 81 hanggang 89 micrograms per normal cubic meter ang dust particles sa hangin mula sa 75 micrograms na standard limit.
Kaugnay nito, nilinaw naman ng DOH na ang dalawang indibidwal na naiulat na namatay sa General Santos City ay hindi dahil sa haze. ( Nel Maribojoc / UNTV News )
Tags: Department of Environment and Natural Resources Secretary Ramon Paje