Paglabas ng COA report laban kay Vice Pres. Jejomar Binay sa panahon ng kampanya, kinuwestyon ng UNA

by Radyo La Verdad | March 11, 2016 (Friday) | 15972

TOBY-TIANGCO
Dismayado ang kampo ni Vice President Jejomar Binay sa inalabas COA report ukol sa Makati City Hall Carpark Building 2.

Kinuwestiyon ni UNA President at Congressman Toby Tiangco ang tiyempo o timing ng paglalabas ng COA report.

Sinabi ni Tiangco na maaring mapanagot ang komisyon dahil sa paglabag sa COA resolution na nagbabawal na magsagawa ng special audit laban sa tumatakbong kandidato sa eleksiyon.

Ayon pa kay Tiangco, labingisang beses na dumaan sa regular audit ang proyekto kaya malinaw na binuo ang Special Audit Team upang siraan si Vice President Binay.

Dismayado rin ang abugado ni Mayor Junjun Binay na si Atty Claro Certeza.

Ayon kay Attorney Certeza kung may katotohanan ito, walang otoridad ang COA na sabihin kung sino ang guilty o nagkasala dahil ang mandato nito ay ang mag-audit lamang ng mga gastos ng pamahalaan.

Ayon naman kay Senator Antonio Trillanes resulta ito ng imbestigasyon ng Senate Blue Ribbon Sub-Committee na dapat ay magmulat na sa mga taong bayan.

Hinamon naman ni Senador Alan Peter Cayetano si VP Binay na harapin ang mga akusasyon sa kanya.

Dagdag pa ni Cayetano, walang maaring magpigil sa kapangyarihan ng COA na mag imbestiga.

(Bryan de Paz/UNTV NEWS)

Tags: , ,