Paglaban sa korapsyon, illegal drugs at kriminalidad, sentro ng inaugural speech ni Pres. Rodrigo Duterte

by Radyo La Verdad | June 30, 2016 (Thursday) | 5745

DUTERTE
Ang halaga na mapagsilbihan at mapakinggan ang hinaing ng taumbayan, ito ang pagbibigay diin ni President Rodrigo Duterte sa kaniyang ginawang talumpati matapos ang kaniyang panunumpa bilang bagong pangulo ng bansa.

Sumentro rin ang inaugural speech ni President Duterte sa paglutas sa mga problema ng bansa tulad ng ilegal na droga at kriminalidad, ngunit ayon sa bagong pangulo may malalim pang mga problema na dapat malutas.

“There are many among’st us who advance the assessment that the problems that bedevil our country today which need to be addressed with urgency, are corruption, both in the high and low echelons of government, criminality in the streets, and the rampant sale of illegal drugs in all strata of Philippine society and the breakdown of law and order. True, but not absolutely so. Erosion of faith and trust in government – that is the real problem that confronts us.” Pahayag ni Duterte.

Sinabi ng bagong pangulo na alam niya na may hindi sumasang-ayon sa paraan ng kaniyang paglutas sa mga problemang ito.

“I know that there are those who do not approve of my methods of fighting criminality, the sale and use of illegal drugs and corruption. They say that my methods are unorthodox and verge on the illegal.” Pahayag ni Duterte.

Ipinaliwanag ng pangulo na nakita na niya kung paano sinira ng ilegal na droga ang mga indibidwal at relasyon ng pamilya.

Gayundin kung papaano nakaapekto ang kriminalidad sa buhay ng tao lalo ng mga inosente.

Samantala, inatasan na rin ni President Duterte ang lahat ng ahensya na pabutihin ang serbisyo sa publiko partikular na ang pagpapaikli ng mga proseso ng lahat ng aplikasyon.

Kaugnay naman ng foreign policy ng administrasyon, ayon kay Duterte, patuloy na kikilalanin ng pamahalaang pilipinas ang lahat ng treaty at international obligation nito.

Pagdating naman sa usapang pangkayapaan, umaasa ang pangulo ng pagkakaisa ng moro people at mga stakeholder tungo sa hinahangad na kapayapaan.

Sa huli ay nagiwan ng mensahe si Pangulong Duterte sa lahat ng mga Pilipino kaugnay ng kaniyang pagtanggap sa malaking obligasyon na ito na maging ama ng bansa.

Binanggit rin ni President Duterte sa kaniyang talumpati ang taos pusong pakikiramay ng Pilipinas sa Republic of Turkey sa nangyaring bombing incident sa Istanbul’s airport.

(Nel Maribojoc/UNTV Radio)

Tags: