Paglaban sa korapsyon at mga tiwali, nais ituloy ni dating DOJ Sec. Leila de Lima

by Radyo La Verdad | October 15, 2015 (Thursday) | 1530

nel_de-lima
Sa kauna-unang pagkakataon bilang isang pribadong indibidwal, nagsalita si dating DOJ Secretary Leila de Lima sa nasabi ring pagtitipon.

Dito inihayag niya ang kaniyang mga layunin sa pagtakbo bilang senador sa darating na halalan.

Pangunahin na dito ang pagpapatuloy ng paglaban sa korapsyon sa pamahalaan.

Kaugnay ng pagsama niya sa ticket ng Liberal party, muling sinabi ng dating kalihim na komportable siya sa mga kasamahan niya sa partido.

Kahit kasama dito sina dating TESDA Director Joel Villanueva na kasama sa sinampahan ng reklamo ng DOJ kaugnay ng pork barrel scam at dating Senador Panfilo Lacson na kaugnay ng Dacer-Corbito case.(Nel Maribojoc/UNTV Correspondent)

Tags: