Inilatag ng Climate Change Commission ang resulta ng pagpupulong sa climate vulnerable forum sherpa officials meeting nito lamang nakaraang araw kasama ang mga delegasyon mula sa iba’t bang bansa.
Pangunahing isinusulong ng mga opisyal ang paglilimita sa 1.5 degree centigrade ng temperatura lalo na sa mga developing country para na rin sa kapakinabangan di lamang ng komunidad maging ng industriya sa mga susunod pang henerasyon.
Umaasa ang Climate Change Commission maging ang mga counterpart official nito sa ibang bansa na sa darating na APEC meetings ay maikonsidera ang mga programa at polisiya sa paglaban sa climate change.
Sa pag-aaral ng mga siyentipiko, posibleng tumaas sa .9 hanggang 1.1 degree centigrade ang temperatura ng Pilipinas sa taong 2020 kung hindi gagawa ng hakbang ang gobyerno sa lumalalang climate change.
Una na ring inaprubahan ni Pangulong Aquino ang pagsusumite ng commitment ng Pilipinas sa UN Framework Convention on Climate Change kaugnay ng pagbabawas ng carbon emission ng bansa sa taong 2030. (Nel Maribojoc/UNTV News)