Kukuwestiyunin sa Korte Suprema ng Anti-Marcos Coalition ang gagawing paglilibing sa Libingan ng mga Bayani kay dating Pangulong Ferdinand Marcos.
Ayon kay Albay Rep. Edcel Lagman, gagamitin nilang basehan ay ang mga paglabag sa karapatang pantao na nangyari sa ilalim ng administrasyong Marcos.
At ang opisyal pagtutol at posisyon ng National Historical Commission ukol dito.
Para naman kay dating Quezon Rep. Erin Tañada sapat nang patunay ang martial law compensation act sa mga nagawang human rights violation noong Marcos era.
Handa namang panindigan ng pamahalaan sa Korte Suprema ang desisyon nito sakaling maghain ng Temporary Restraining Order ang sinuman.
Iginagalang din anila ang planong malawakang kilos protesta ng grupong “Coalition Against the Marcos Burial in Libingan ng mga Bayani” sa Rizal Park sa Luneta sa araw ng linggo August 14.
Sa kaliwa’t kanang pagtutol wala namang nakiktang constitutional o legal impediment si Senator Leila de Lima sa pagpapalibing kay Marcos sa libingan ng mga bayani.
Sa facebook page naman ni Sen. Bongbong Marcos nagpasalamat ito kay Pangulong Rodrigo Duterte.
(Grace Casin/UNTV Radio)
Tags: dating Pangulong Ferdinand Marcos., libingan ng mga bayani