Nais ng Commission on Elections na maghigpit sa mga panuntunan at batas na kanilang ipinatutupad.
Sinabi ni Chairman Andres Baustista sa panayam ng UNTV News na ito ang gusto niyang bigyang diin kaya siya bumoto laban sa pagpapalawig ng pagsusumite ng Statement of Contributions and Expenditures ng mga partido.
Ayon kay Bautista, sa kaniyang pananaw ay hindi na dapat nagkaroon ng extension sa deadline ng pagfile ng SOCE, sa halip ay payagan ang late filing at pagmumultahin ang kandidato o ang partido.
Ipa-uubaya na lang din aniya ng COMELEC sa mga partido at ilang indibidwal ang pagdulog sa Supreme Court kaugnay desisyong ito.
Ayon kay Bautista ilalabs nila ang resolusyon upang mabigyan ang mga ito ng batayan o pagkakataon na linawin o kwestyunin ang desisyon ng komisyon.
Kahapon, nagfile na sa Korte Suprema ng petisyon sina Atty. Manuelito Luna ng 1-Abilidad Partylist at ang dating sundalong si Justino Padiernos ng People’s Freedom Party upang hilingin na pawalang bisa ang desisyon ng COMELEC.
(Victor Cosare / UNTV Correspondent)
Tags: COMELEC, mga kandidato at partido