Pansamantalang itinigil ang pagkukumpuni sa Mandaue-Mactan bridge sa Cebu habang hindi pa naisasa-ayos ang pipe support ng Metropolitan Cebu Water District na nasa ilalim ng ginagawang tulay.
Ayon sa MCWD, bukas ay magkakaroon sila ng pagpupulong kasama ang Department of Public Works and Highways Region 7 at ang contractor ng tulay na nagdudugtong sa Mandaue at Lapu-Lapu City upang pag-usapan ang mga susunod na hakbang.
Kabilang na rito ang pagsasa-ayos sa pipe support bago ipagpatuloy ang pagkukumpuni sa tulay. Ang pipe ay may dayametrong labing anim na pulgada at mahigit siyam na raang kilometro ang haba.
Nagdadala ito ng mahigit 12,000 cubic meters kada araw at nagsusuply sa mahigit labong pitong libong households.
(Gladys Toabi / UNTV Correspondent)
Tags: Cebu, Mandaue-Mactan bridge