Pagkuha ng NBI clearance sa application ng professional driver’s license tinutulan ng mga transport group

by Radyo La Verdad | November 25, 2015 (Wednesday) | 1655

TRANSPORT-GROUP
Nagrereklamo ang ilang transport group at mga kumukuha ng lisensya sa bagong patakaran ng Land Transportation Office

Requirement na ng LTO na kailangang kumuha ng NBI clearance ang sinomang mag a-apply o mag re-renew ng professional driver’s license.

Dahil isang linggo bago ma release ang nbi clearance, apektado ang kita ng mga driver

At kung magkaroon pa ng “hit” ang pangalan ng isang driver sa NBI, aabutin pa ng 45 limang araw bago ma-clear ang kanyang pangalan.

Ang bagong polisiya ay batay sa revised rules ng administrative order ng LTO na ipinatupad noong November 9.

Subalit ayon sa LTO, hindi sila nagkulang sa pagpapaalala, katunayan nailathala sa malalaking pahayagan at dumaan rin sa mga public consultation ang bagong polisiya

Sa pamamagitan nito mas masasala ang mga driver na mabibigyan ng professional driver’s license

Pinangangambahan naman ng LTFRB na maaaring magkaroon ng shortage sa bilang ng mga public utility driver dahil sa bagong patakaran

Samantala, hiniling naman ng ilang transport group sa korte na maipatigil ang bagong patakaran sa pamamagitan ng pag iisyu ng temporary restraining order. (Mon Jocson/UNTV News)

Tags: ,