Pagkikita nina Mayor Sara Duterte at former Sen. Bongbong Marcos sa Cebu, nagkataon lang

by Radyo La Verdad | October 25, 2021 (Monday) | 5286
Photo Courtesy: Mayor Sara Duterte-Carpio

METRO MANILA – Naging usap-usapin ang pagkikita ng 2 matunog na pangalan sa pulitika na sina Davao City Mayor Sara Duterte at Presidential Aspirant at Former Senator Bongbong Marcos .

Noong Biyernes, parehong nagtungo ang 2 sa Cebu City. Nauna si Marcos sa inagurasyon ng kanilang headquarters sa Cebu.

Habang nakipagkita naman si Mayor Sara sa kanyang pinsan na si Cebu 5th District Board Member Red Duterte.

Nagkita sina BBM at Sara noong sabado sa birthday celebration ni Congresswoman Yedda Romualdez na asawa ni House Majority Leader Martin Romualdez.

Sa facebook post ni Mayor Sara makikita ang pag-uusap ng alkalde at ng presidential aspirant. Ayon sa tagapagsalita ni BBM, coincidence lang ang pagkikita ng 2 sa naturang birthday celebration.

Ayon naman sa tagapagsalita ni Mayor Sara na si Liloan Cebu Mayor Christina Frasco, inimbitahan niya ang alkalde para maging pangunahing pandangal sa inauguration ng bagong seaport sa Liloan City at panauhin sa kanilang league of municipalities of the Philippine Cebu Inauguration.

Nakipagkita rin ang alkalde sa iba pang malalaking opisyal ng cebu kabilang na sina cebu Provincial Governor Gwen Garcia, Cebu City Acting Mayor Micheal Rama at Talisay City Mayor Samsam Gullas.

Sa pagharap naman nito sa media kahapon (October 24), muli nitong iginiit na hindi siya tatakbo sa pagkapangulo ng bansa sa 2022 elections.

Tumanggi rin itong idetalye ang mga napag-usapan nila ni Bongbong Marcos

At nang tanungin naman kung matutuloy naba ang BBM-Sara tandem, ayon sa alkalde hindi pa nila ito napag-usapan.

Pero pagtitiyak ng presidential daugther, handa ang partido nito na hugpong ng pagbabago para suportahan ang kandidatura ni BBM sa pagkapangulo.

(Janice Ingente | UNTV News)

Tags: ,