Pagkaubos ng pine trees sa Baguio City, ikinabahala ni DENR Chief Roy Cimatu

by Radyo La Verdad | February 18, 2019 (Monday) | 16820
PHOTO: DENR Facebook page

BAGUIO CITY – Kilala ang Baguio City dahil sa malamig na klima at magagandang tanawin.

Bukod sa bansag na summer capital of the Philippines, tinagurian din ito bilang “City of Pines” dahil sa matatayog na pine trees.

Ngunit nangangamba ngayon si Environment Secretary Roy Cimatu na maubos na ang mga ito.

Sa kanyang talumpati sa Philippine Military Academy (PMA) Alumni Homecoming noong Sabado, sinabi nito na napansin niyang marami na sa mga ito ang namamatay na.

“I counted more than 100. And what does that mean? We might be losing the pine trees here in Baguio,” sinabi ni Cimatu.

Bunsod nito, inatasan ng kalihim ang kanyang mga tauhan na aksyunan ang sularing ito.

“We will make a study on this, on Baguio City as far as the advancement is concerned,” aniya. 

Sinasabing ang kakulangan sa conservation plans para sa pine trees sa lungsod ay nananatiling malaki lalo na’t patuloy ang development dito kaya marami sa mga naturang puno ang napipilitang bunutin.

(Grace Doctolero | UNTV News)

Tags: , ,