Pagkamatay ni Kian Delos Santos, sinisimulan nang imbestigahan ng Office of the Ombudsman

by Radyo La Verdad | August 30, 2017 (Wednesday) | 5328

Nagsimula na ang fact finding investigation ng Office of the Ombudsman sa pagkamatay ni Kian Delos Santos sa isang drug raid sa Caloocan City nito lamang Agosto.

Ayon kay Ombudsman Conchita Carpio Morales, nagsimula na silang kumalap ng impormasyon sa kaso. Ginawa nito ang pahayag pagkatapos  dumalo sa budget hearing.

Suportado naman ni Senate Minority Leader Senator Franklin Drilon ang hakbang na ito ng Ombudsman.

Una na ring sinabi ni DOJ Secretary Vitaliano Aguirre II na handa siyang mag-inhibit sa Delos Santos’ killing probe kung hindi rin aniya makikiaalam ang ilang Liberal Party Senator sa imbestigasyon na ito.

 

(Bernard Dadis / UNTV Correspondent)

 

 

 

Tags: , ,