Pagkamatay ng detainee na si ‘Tisoy’, pinaiimbestigahan sa Kamara

by Radyo La Verdad | June 26, 2018 (Tuesday) | 2852

Naghain ng resolusyon sa Senado si Sen. Bam Aquino para imbestigahan ang pagkamatay ni Genesis “Tisoy” Argoncillo habang ito at nasa kustodiya ng mga pulis.

Habang ang Makabayan Bloc naman, inihahanda na rin ang sarili nilang resolusyon sa kaparehong isyu.

Nais ng mga mambabatas na pagpaliwanagin ang Philippine National Police (PNP) kung ano ang naging basehan sa paghuli kay Tisoy na noon ay nagpapa-load lang sa tindahan.

Maging ang kasalukuyang paghuli sa mga tambay ay pinaiimbestigahan na rin ng mga kongresista sa Kamara.

Samantala, ayon kay PNP Chief Oscar Albayalde, hindi tambay ang kanilang target kundi ang mga lumalabag sa ordinansa o batas.

Ipinagbawal na rin ng heneral ang paggamit sa Oplan Tambay at pinatututukan sa mga police commanders ang mga operasyon ng mga pulis upang maiwasana ng pang aabuso.

 

( Grace Casin / UNTV Correspondent )

 

Tags: , ,