Pinaiimbestigahan na ngayon ng makabayan bloc sa kamara ang isyu ng umano’y pagkakasangkot ni X-LTO Chief Virginia Torres sa smuggling ng asukal.
Ito’y matapos na mabunyag sa ilang pahayag na tinangka umano ni Torrea na mapa-release ang nasa 64 shopping containers ng smuggled thai sugar na nagkakahalaga ng 100-million pesos sa BOC.
Ayon kay Bayan Muna partylist Neri Colmenares dapat nang makialam ang kongreso sa isyu ng smuggling.
Base sa datos ng kongresista umabot sa 300-billion pesos kada taon ang nawawalang buwis sa Bureau of Customs dahil sa smuggling.
Habang 450 billion pesos naman ang mga buwis na hindi nasisingil ng BIR.
Samantala, hiniling si Senate President Franklin Drilon sa BOC na alamin at masusing imbestigahan ang pagkakadawit ng dating LTO chief sa sugar smuggling.
Si Senator Chiz Escudero naman nais na dapat sampahan ng kaso ng BOC si Torres oras na mapatunayang sangkot sa smuggling. (Grace Casin/UNTV Correspondent)
Tags: smuggling