Pagkakasangkot ng ilang LGU sa operasyon ng droga, iimbestigahan ng DILG

by Radyo La Verdad | June 28, 2016 (Tuesday) | 898

SARMENTO-MARQUEZ
Ibinunyag ni outgoing DILG Sec Mel “Senen” Sarmiento ang natanggap niyang mga intelligence report ukol sa pagkakasangkot ng ilang local government units sa operasyon ng ilegal na droga sa bansa.

Ito’y kasunod ng deklarasyon ni President Elect Rodrigo Duterte na may 35 mga LGU ang sangkot sa ilegal na droga.

Ayon kay Sarmiento, nagsagawa na ang Philippine National Police ng surveillance ukol rito

Sinabi ni Sarmiento, kung may matibay na ebidensya laban sakawani ng LGU, ay marapat lamang na ito ay masampahan ng kaso at mapanagot sa batas.

(Lea Ylagan/UNTV Radio)

Tags: