Pagkakaroon ng tattoo, ipinagbabawal na ng PNP sa personnel at applicants

by Radyo La Verdad | April 23, 2024 (Tuesday) | 53774

METRO MANILA – Ipinagbabawal na ng Philippine National Police (PNP) ang pagkakaroon ng tattoo sa lahat ng uniformed at non-uniformed  personnel nito.

Ayon kay PNP Public Information Office Chief PCol. Jean Fajardo, mayroong polisiya ang PNP na nagbabawal sa paglalagay ng tattoo sa katawan lalo na yung nakalabas sa uniporme.

Hindi naman tatanggapin ng PNP ang mga aplikante na mayroong tattoo kahit na nakatago ito sa katawan.

Binalaan naman ng pulisya ang mga hindi susunod sa polisiya na burahin ang mga  visibile na tattoo sa katawan na isasailalim sila sa imbestigasyon.

Tags: ,