Pinag-iisa na ngayon ng iba’t-ibang ahensya ng pamahalaan ang mga guideline na kanilang sinusunod sa disaster preparedness and response.
Layunin nito na magkaroon ng Philippine Humanitarian Standards upang magkaroon ang pamahalaan ng iisang aksyon tuwing tatamaan ng kalamidad ang bansa.
Aminado ang Department of Social Welfare and Development na sa kabila ng pagkakaroon ng sariling guidelines mayroon pa ring report sa dumarating sa kanila na hindi umano naaabot ng tulong.
Base naman sa sariling karanasan ni Guiaun Eastern Samar Social Welfare Officer Zenaida Cunanan, nung tumama ang Bagyong Yolanda sa Eastern Samar walang maayos na koordinasyon ang bawat ahensya kaya tatlong araw pa ang lumipas bago sila nabigyan ng relief goods.
Target ng grupo na matapos ang Philippine humanitarian standards guidelines sa loob ng isang taon at agad nila itong isusumite sa pangulo.
(Grace Casin / UNTV Correspondent)
Tags: iba’t ibang ahensya ng pamahalaan, Pagkakaroon ng Phl humanitarian standard