METRO MANILA – Malaki ang tiyansa para sa mga kababaihan na maagapan ang peligrong dala ng Human Papillomavirus Infection na isa sa pangunahing pinagmumulan ng cervical cancer ayon kay Executive Director Rachel Rosario ng Philippine Cancer Society.
Bagamat pang-apat ang cervical cancer sa mga nakamamatay na sakit worldwide, ito ay nasa ika-anim na puwesto ayon sa statistical data ng PCS, at nasa 90% ang tiyansa na malunasan ang stage 1 cervical cancer sa Pilipinas, habang ang nasa 60% ang successful treatment rate para sa stage 3 patients.
Ayon pa sa director, naitra-transmit ng isang HPV-infected ang virus by skin contact kayat isang sanhi ng cervical cancer sa mga pasyente ay ang pagkakaroon ng higit sa isang male sexual partner lalo na kung ang mga ito ay makararanas ng sexual contact sa murang edad.
Ilan naman sa sintomas na mararamdaman ng HPV-infected females ay pagdadanas ng matinding pagdurugo higit kaysa sa natural bleeding na mararanasan nila sa kanilang buwanang dalaw at ang pananakit ng kanilang lower abdominal area during sexual intercourse.
Payo naman ng doktora, mainam na magpatingin sa eksperto kung aabot ng 1-2 weeks ang pananakit ng lower abdomen ng isang babaeng matapos magkaroon ng sexual contact.
Para naman sa World Health Organization, maiging mabakunahan ang mga kababaihang nasa pagitan ng edad siyam at labing-apat na taong gulang upang lumaki ang tiyansa nilang malabanan ang virus na sanhi ng cervical cancer.
Sa huli, mainam na sumunod ang bawat may asawa sa payong nakasulat sa bibliya na nagpapaalalang “ingatan ninyo ang inyong kalooban, at huwag nang manglilo laban sa asawa ng kaniyang kabataan.”
(April Jan Bustarga | La Verdad Correspondent)
Tags: HPV infection