Pagkakaroon ng dalawang anak ng mga magasawa sa China, pinayagan

by Radyo La Verdad | October 30, 2015 (Friday) | 1379

ONE-CHILD-POLICY
Pumayag na ang China na magkaroon ng dalawang anak ang bawat mag-asawa na nagbigay wakas sa ilang dekadang pagpapatupd ng one-child policy.

Sinabi ng ruling communist party na layunin nito na mapataas ang tinatawag na demographic strains sa ekonomiya ng bansa.

Ang bagong polisiyang ito ay pangunahing pagbibigay kaluwagan sa family planning restrictions ng bansa na nagsimula noong 2013.

Ipinatupad ang one-child policy noong 1970 para mapigilan ang mabilis na paglaki ng populasyon ng bansa.

Tags: , ,