Pumayag na ang China na magkaroon ng dalawang anak ang bawat mag-asawa pagkatapos ng ilang dekada ng mahigpit na pagpapatupad ng one-child policy.
Ang desisyon ay para sa ikabubuti ng ekonomiya.
Taong 2013 niluwagan ang one-child policy kung saan ang ilang mag-asawa ay pinayagang magkaroon ng dawalang anak sa ilalim ng ilang kondisyon.
Noong 1970 ipinatupad ang one-child policy para pigilan ang mabilis na paglaki ng populasyon sa China.
Ang mga hindi sumunod sa family planning laws sa China ay pinagmumulta, ang iba naman ay nawawalan ng trabaho at sa ilang kaso ay napipilitan ang mga ina na magpa-abort.