Muling iginiit ni Pangulong Rodrigo Duterte na hindi itutuloy ng pamahalaan ang pakikipag usap sa National Democratic Front of the Philippines hanggat walang nalalagdaang kasunduan para sa tigil-putukan.
Nakatakdang ituloy ng pamahalaan ang peace talks sa kominustang grupo ngayong April 2 sa The Netherlands.
Ayon sa Pangulo, nagbilin na siya kina Secretary Jess Dureza at Bebot Bello tungkol dito.
Kasama rin sa kondisyon ng pangulo na itigil muna ng New People’s Army ang pangingikil o pangongolekta nito ng “revolutionary tax” sa mga negosyante at maging sa ordinaryong mamamayan.
Una ng nagbabala ang pangulo na gagamitin ang buong pwersa ng militar laban sa NPA oras na tuluyang mauwi sa wala ang usapang pangkapayapaan.
Dati namang iginiit ng NDF na maaari namang magpatuloy ang peace talks kahit walang deklarasyon ng tigil-putukan.
(Roderic Mendoza / UNTV Correspondent)