Pagkakalansag ng iligal na gawain ng mga Parojinog, tanda ng hustisya ayon sa kaanak ng isa sa mga biktima ng mga ito

by Radyo La Verdad | August 9, 2017 (Wednesday) | 1890

Pinatotohanan ng isang kaanak na biktima umano ng pamilya Parojinog ang mga  alegasyong kinasasangkutan ng mga ito pangunahin na ang illegal drug trade.

Ayon kay alyas Winnie walang ibang salarin sa pagpatay sa kaniyang kapatid na isa rin pulitiko kundi ang mga Parojinog.

Bukod pa rito may mga kamag-anak at kakilala rin daw sila na pinapatay ng mga Parojonig kahit pa mga tauhan nila ang mga ito.

Nagpasalamat si alyas Winnie dahil unti-unti ng nabibigyan ng hustisya ang mga naging biktima ng mga ito dito sa Ozamiz City.

 

Pinatotohanan din ni alyas Winnie ang kawalan ng kapangyarihan ng mga pulis sa kanilang lugar dahil nasusuhulan ang mga dating hepe na napupunta dito.

 

Ibinulgar din niya ang iba pang illigal na gawain ng mga Parojinog tulad ng extortion.

 

Samantala patuloy  na nadaragdagan ang mga nahukay na hinihinalang buto ng mga tao at mga gamit mayron ding nakuhang posas tali at garter ng brief.

 

 

(Weng Fernandez / UNTV Correspondent)

 

Tags: , ,