Hindi na maihahabol ng Philippine National Police ang pagkakabit ng mga Closed Circuit Television Camera sa University Belt bago mag-umpisa ang klase ngayong Hunyo
Ayon kay Directorial Staff Chief P/Dir. Danilo Constantino, nais sana ng PNP na maikabit ito bago magpasukan subalit wala pang pondo para dito.
Sinabi pa ni Constantino na importante ang CCTV sa University Belt para sa seguridad at kaligtasan ng mga estudyante.
Kaya naman upang mas mapaigting pa ang seguridad sa pasukan ay bukod sa gagawing monitoring ng pinakamalapit na police station ay maglalagay din sila ng mga tauhan sa mga barangay hall.
Nauna nang sinabi ng PNP na 24 na libong pulis ang itatalaga sa opening ng klase sa metro manila kontra krimen.
Ang mga ito ang magsasagawa ng foot, mobile patrol, police visibility at maging sa police assistance desk malapit sa mga eskwelahan. (Lea Ylagan/UNTV News)