Pagkain at tulong pinansyal para sa mga magsasaka, ibinahagi ng DA

by Radyo La Verdad | December 4, 2020 (Friday) | 4425

Nakatanggap ng tulong pinansyal ang nasa 12,878 na bilang ng mga benepisyaryong magsasaka sa Isabela nitong Miyerkules (Dec. 2).

Ito ay sa ilalim ng Cash and Food Subsidy for Marginal Farmers and Fishers (CFSMFF) Program ng kagawaran ng agrikultura na pinangunahan ni Secretary William Dar.

Aniya, ang nasabing proyekto ay hindi lamang para magbigay suporta kundi upang masiguro rin ang kita ng ating mga kababayang magsasaka at poultry raisers na apektado ng COVID-19 pandemic.

Ang bawat magsasaka ay nakatanggap ng kabuuang P5,000 kung saan ang P3,000 ay ibibigay bilang cash assistance habang ang matitirang P2,000 ay ilalaan naman para pagkain na binubuo ng bigas (P1,000), manok (P600), at itlog (P400).

(Geraldine Blase | La Verdad Correspondent)

Tags: ,