METRO MANILA – Isinusulong ni Presidential Adviser on Entrepreneurship Secretary Joey Concepcion na gawing optional na lamang ang pagsusuot ng face masks.
Kaakibat yan ng panukala niyang bawiin na ang idineklarang “State of Public Health Emergency” sa bansa dahil sa COVID-19.
Napapanahon na ito ayon kay Concepcion dahil bumabalik na sa normal ang economic activity sa buong mundo.
Ayon kay Octa Research Fellow Guido David, baka premature pa ito sa ngayon at posibleng matulad lamang sa nangyari sa New York sa Estados Unidos na ibinalik din ang mask mandate nang muling dumami ang kaso ng COVID-19 dahil sa Omicron subvariant.
Pero kung magpapatuloy aniya ang mababang bilang ng naitatalang mga kaso sa mga susunod na buwan, posible itong mapag-usapan sa ilalim ng susunod na administrasyon.
Tags: face masks