Pagiging non-partisan sa paparating na national elections, iginiit ng AFP

by Radyo La Verdad | August 4, 2015 (Tuesday) | 1075

IRREBERRI
Nag-umpisa nang bisitahin ni AFP Chief of Staff Gen. Hernando DCA Iriberri ang mga unified command ng AFP.

Bahagi ng kaniyang mga ipinagbibilin sa mga commander na maging non-partisan o walang kikilingang sinumang kandidato tatakbo sa pambansang eleksyon sa Mayo 2016.

Bahagi ng guidance ng CSAFP sa mga sundalo ang pagpapalakas ng stakeholder engagement para sa ibayong pagsusulong ng karapatang makapili ng kani-kaniyang kandidato ang bawat mamamayan.

Samantala, ipinahayag naman ng AFP na hindi napabayaan ng administrasyon ni pangulong benigno aquino the third ang mga sundalo.

Ginawa ng AFP ang pahayag matapos ang sariling sona ni Bise Presidente Jejomar Binay kahapon sa Cavite .

Sapat din anila ang pagkilala na ginagawa ng pamahalaan sa pagsisikap ng mga tauhan ng militar namabigyan ng seguridad at mapanatili ang katahimikan sa bansa.

Tags: