METRO MANILA – Base sa paliwanag ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS) 2 ang ibig sabihin ng pagbaba ng aktibidad ng bulkan.
Una ay ang magandang indikasyon na tuluyan nang bababa ang mga aktibidad nito at ang pangawala ay ang posibilidad na nagiipon lamang ito ng lakas para sa isang matinding pagsabog.
“Mas gusto nga sana natin na matapos na. Kung puputok man siya ng malakas pumutok na sana para tapos na. Kaso kung katulad po ng 1754 na may cycles talaga na tatahimik, magkakaroon ng low level activity tapos magkaka-lul tapos biglang puputok ng malakas and then another cycle ng ganun so ganun kasi yung 1754.” ani PHIVOLCS Chief, Volcano Monitoring and Prediction Div.,Ma. Antonia Bornas.
Base sa obserbasyon ng ahensya mas mababa na ang ipinapakitang aktibidad ng bulkan sa surface o ibabaw nito kumpara ng unang sumabog ito.
Pero hindi pa rin dapat maging kampante. Mula noong Lingo ay siyam na mahihinang pagsabog na ang naitala ng PHIVOLCS. Patuloy rin ang pagbaba ng tubig sa taal lake na indikasyon na patuloy ang erruption ng bulkan.
30 mga paglindol rin ang naitala ng PHIVOLCS at patuloy ang pag-akyat ng magma sa mula sa ilalim ng Taal. Dahil dito mananatiling nakataas sa level 4 ang bulkang Taal kung saan pinangangambahan ang mapanganib na pagsabog anomang oras o araw.
“Among scientist we always say that evacuation is a political decision we can only advise. Masyadong mahirap na desisyon para sa mga local government official masyadong maraming factors silang kinoconsider hindi lang po science.” ai ani PHIVOLCS Chief, Volcano Monitoring and Prediction Div.,Ma. Antonia Bornas.
(Rey Pelayo | UNTV News)
Tags: Bulkang Taal