Hindi ipinagwawalang bahala ng Armed Forces of the Philippines ang nakuhang impormasyon ni Pang. Rodrigo Duterte na may tatlo pang lugar sa Mindanao na may terror threat.
Ayon kay AFP Public Affairs Office Chief Col. Edgard Arevalo, posibleng mga kaanak ng Maute na napatay sa bakbakan sa Marawi ang nais na gumanti at manggulo sa ibang lugar.
Gayunman, sinabi ni Arevalo na walang dapat na ipag-alala ang mga residente, dahil umiiral pa rin ang martial law sa buong Mindanao. Nangangahulugan aniya ito nang mahigpit na pagbabantay ng mga sundalo sa ground.
Tumanggi naman ang opisyal na ihayag ang tatlong lugar na sinasabi nang pangulo na may banta ng terorismo.
(Lea Ylagan / UNTV Correspondent)