Paghahatid ng mga produkto at serbisyo sa ilang barangay sa Guinobatan at Daraga, Albay, nabinbin dahil sa mga sirang daan

by Radyo La Verdad | January 30, 2018 (Tuesday) | 2693

Pagsubok para sa mga residente ang pagtawid sa ilang lugar sa extended 9-kilometer danger zone matapos ang pagbuhos ng malakas na pag-ulan sa mga nakalipas na araw.

Tuwing umuulan ay gumuguho ang ilang bahagi ng kalsada dahil hindi naman ito sementado. Gaya na lamang ng kalsadang nagdudugtong sa apat na barangay dito sa bayan ng Guinobatan.

Ayon sa lokal na pamahalaan kadalasan ay ang mga nagsasagawa ng quarry operation na ang nagtatambak sa mga kalsada upang muling magamit.

Ngunit ayon sa Department of Public Works and Highways Region 5, dapat na lumilikas ang mga residente sa lugar tuwing umuulan dahil delikado ang lugar.

 

( Mai Bermudez / UNTV Correspondent )

 

Tags: , ,