Paghahati sa Palawan sa tatlong bahagi, isa ng batas

by Erika Endraca | April 15, 2019 (Monday) | 13551

Manila, Philippines – Pirmado na ni Pangulong Rodrigo Duterte noong April 5 ang panukalang batas na naghahati sa Palawan sa tatlong probinsya.

Sa bisa ng Republic Act number 11259, magkakaroon na ng Palawan Del Norte, Palawan Oriental at Palawan Del Sur.

Gayunman, kinakailangan munang magkaroon ng plebisito at aprubahan ng mayorya ng mga residente upang tuluyang likhain ang 3 probinsya.

Isasagawa ang plebisito sa pangunguna ng Commission on Elections (COMELEC) sa Ikalawang Lunes ng Mayo 2020.

Kung ma-aprubahan naman ng mga residente, ang eleksyon para sa mga provincial government officials ay isasagawa sa May 2022.

Magiging ilalim ng Palawan Del Norte ang mga munisipalidad ng Coron, Culion, Busuanga, Linapacan, Tatay at El nido.

Sa ilalim naman ng Palawan Oriental ang mga munisipalidad ng Roxas, Araceli, Dumaran, Cuyo, Agutaya, Magsaysay, Cayancillo at San vicente.

Samantalang sa ilalim ng Palawan Del Sur ang mga munisipaliad ng Aborlan, Narra, Quezon, Rizal, Española, Brooke’s point, Bataraza, Balabac at Kalayaan.

Tags: ,