Pinaghahanda na ni Pangulong Benigno Aquino the third ang iba’t ibang ahensya ng pamahalaan ng mga programa o proyekto na makatutulong upang malabanan ang posibleng epekto ng mas malakas na El Nino Phenomenon sa bansa.
Isa sa mga tinitingnan ng Malakanyang ang ilang livelihood programs para sa mga magsasaka na pangunahing maaapektuhan ng matinding tagtuyot.
Ayon kay Presidential Spokesperson Edwin Lacierda, may ilang panukala pa silang isusumite kay Pangulong Aquino kaugnay ng paghahanda sa maaaring epekto ng El Nino phenomenon.
Sa taya ng Pagasa, mula Oktubre ay posibleng maramdaman na ang 60 hanggang 80 percent na bawas sa dami ng ulan na posibleng tumagal pa hanggang sa buwan ng Marso 2016.
Mahigit limampung probinsya rin ang posibleng maapektuhan nito.
P900 million ang inilaang pondo ng Department of Agriculture upang tugunan ang pinangangambahang epekto ng El Nino phenomenon sa bansa. ( Nel Maribojoc / UNTV News)