Paghahanda sa 2022 election, maaaring maapektuhan dahil sa paglalabas ng TRO ng SC

by Radyo La Verdad | December 27, 2021 (Monday) | 7999

METRO MANILA – Muling nagpaalala ang Commission on Election (COMELEC) na maaaring maapektuhan ang gagawing paghahanda ng ahensya sa 2022 National Election dahil sa paglalabas ng Temporary Restraining Orders (TROs) ng Supreme Court (SC) sa mga organisasyon ng ilang party-list na kailangang tanggihan ang pagbibigay ng akreditasyon.

Sa Twitter post ni Commissioner Rowena Guanzon, may posibilidad maging dahilan ang mga nagsasampa ng kaso na maantala ang pag-iimprenta ng ballot numbers ng mga party list na nakatakdang simulan sa susunod na taon.

Dagdag pa nito, kung hindi maggawang maimprinta sa Enero ang mga balota, maaaring malagay sa peligro ang eleksyon sa susunod na taon.

Kamakailan lang nang tanggihan ng poll body ang akreditasyon ng 107 party-list groups at ilang grupo na rin ang humingi ng relief mula sa korte at nakakuha ng TRO.

Kabilang dito ang:
-Mindanao Indigenous Peoples Conference for Peace and Development
-Lingkud Bayanihan Party
-Ang tinig ng Seniors
-Igorot Warriors International; at
-Alliance for Resilience, Sustainability, and Empowerment (Arise)

Nitong nakaraang linggo, pinagpapaliwanag naman ng SC ang COMELEC sa loob ng 10 araw tungkol sa pag-deny sa aplikasyon ng accreditation ng mga party-list.

Ang mga party-list ay nagre-representa sa iba’t ibang sektor ng lipunan at pinapayagan ng konstitusyon na magkaroon ng puwesto o slot sa House of the Representatives.

(Judren Soriano | La Verdad Correspondent)

Tags: