Paghahanda ng AFP sa May 9 elections, hindi maaapektuhan ng pagreretiro ni Gen. Iriberri

by Radyo La Verdad | April 22, 2016 (Friday) | 2996

IRREBERRI
Labing-pitong araw bago ang pambansang halalan sa May 9, bababa nasa pwesto bilang pinuno ng Hukbong Sandatahan si General Hernando Iriberri dahil sa pagsapit ngkaniyang mandatory age of retirement na 56 years old ngayon araw.

Tiniyak ng tagapagsalita ng AFP na si Brigadier General Restituto Padilla na matutuloy ngayon araw ang change of command ceremony na pangungunahan ni Pangulong Benigno Aquino the third.

At kahit magretiro na ang Heneral, mananatili ang guidance nito sa mga unit of command ng AFP hinggil sa pagpapanatili ng seguridad at kapayapaan ngayong panahon ng halalan.

Dagdag pa ng opisyal, noong mga nakalipas na Linggo, abala si Gen. Iriberri sa pag-iikot sa mga tropa ng militar upang mahigpit na pagbilinan ang mga ito.

Wala pang pinalalabas na opisyal na pahayag si Pangulong Benigno Aquino the third kung sino ang susunod na mamumuno sa 125 libong sundalong bumubuo sa Hukbong Sandatahan ng Pilipinas.

Maaaring piliin ng pangulo ang mga opisyal ng AFP na may ranggong senior colonel at one-star hanggang three star generals upang humaliling chief of staff.

Nasa 800 tauhan naman ng AFP ang nagsanay sa isasagawang testimonial parade para kay General Iriberri ngayon araw.

Paliliparin din ang mga eroplano at helicopter ng Philippine Air Force samantalang ipaparada ang iba’t ibang kapasidad ng army at navy bilang pagpupugay sa magreretirong heneral.

Si Pangulong Aquino the third ang mangunguna sa nakatakdang retirement at change of command ceremony ngayon araw sa AFP Headquarters.

(Rosalie Coz/UNTV NEWS)

Tags: ,