Dinagdagan ng Philjobnet website ang mga features nito upang mas maging madali at mabilis na ang paghahanap ng trabaho na lalapat sa kapasidad o kakayanan ng mga job seekers.
Taglay ng Philjobnet website ang job matching at labor market information portal, internet based job and applicant matching system, mobile phone-friendly web application at iba pa.
Ang nasabing mga features ay otomatikong sasagot sa anomang katanungan ng bawat job seekers at may kakahayan din ito na magpadala at mag update ng impormasyon sa email account kung mayroon ng schedule ng job interview.
Makikita rin sa website ng Philjobnet ang mga pangunahing kumpanya na nangangailangan ng mga empleyado.
Maaari rin gamitin ng jobseekers ang kanilang social networking account gaya ng Facebook upang makita ang ibat ibang job vacancies, depende sa lugar, industriya, pangalan ng kumpanya.
Mayroon din itong search for special jobs gaya ng online o homebased, government, overseas at internship.
Para sa karagdagang impormasyon, maaaring bumisita sa website ng philjobnet sa www.philjobnet.ph.
(Joms Malulan / UNTV Radio Correspondent)