Paghahain ng reklamo vs Trillanes, De Lima, posibleng hindi na ituloy ni Sen. Gordon

by Radyo La Verdad | October 5, 2016 (Wednesday) | 1895

joyce_gordon
Nag-usap na sina Sen.Antonio Trillanes IV at Sen.Richard Gordon matapos magkaroon ng bangayan noong Lunes sa pagdinig ng Senate Committee on Justice and Human Rights sa mga umanoy kaso ng extrajudicial killings.

Mismong si Sen.Trillanes ang pumunta sa opisina ni Sen.Gordon at nagpaliwanag na anuman ang kanyang nagawa ay bunsod lang ng pagiging passionate niya sa isyu na tinalakay sa senado.

Ayon naman kay Gordon, sapat na ang paglapit ni Trillanes sa kanya.

Ayon pa kay Gordon, posibleng hindi na rin niya itutuloy ang paghahain ng reklamo laban kay Sen.Leila de Lima at Sen.Trillanes kaugnay ng umanoy unparliamentary conduct ng dalawa.

Ayon naman kay Senate President Aquilino Pimentel III, siya rin mismo ay namamagitan na rin sa mga nagkakaalitang senador.

Sinabi rin ni Sen. Tito Sotto na chair ng Ethics Committee ng senado, na maaaring madala nalang sa mabuting usapan ang isyu sa pagitan ng mga senador.

Samantala, hindi na tinuloy ni Sen. Richard Gordon ang pinaplano sanang privilege speech sa plenaryo kanina kung saan dapat ay idiin niya sina Sen.Leila de Lima at Sen.Antonio Trillanes IV dahil sa kanila umanong unparliamentary conduct. Ayon sa kaniya, ito’y alang-alang na rin sa mapayapang selebration ng ika-isang daang taon ng senado ngayong araw.

(Joyce Balancio / UNTV Correspondent)

Tags: , ,