Paghahain ng mga panukala para sa rebisyon ng konstitusyon, maaga pa upang talakayin ayon sa ilang senador

by Radyo La Verdad | January 17, 2018 (Wednesday) | 3213

Ngayong araw nakatakdang dinggin ng Senate Committee on Constitutional Amendments and Revision of Codes ang panukalang rebisahin o amiyendahan ang konstitusyon.

Ayon sa chairman ng komite na si Senator Francis Pangilinan, hindi dapat madaliin ang pagsusulong Charter Change.

Kaya naman para sa iba pang senador, maaga pa para pag-usapan ang mga ipinapanukalang amiyenda sa konstitusyon partikular na ng mga nasa lower house.

Wala pa ring consensus sa ngayon ang mga senador tungkol sa usapin kung paano ang magiging botohan sakaling umupo na ang kongreso bilang constituent assembly.

Ayon kay Senate President Koko Pimentel, hiwalay na boto ang kaniyang isinusulong.

 

( Nel Maribojoc / UNTV Correspondent )

 

Tags: , ,