Paghahain ng kaso laban sa ikatlong batch ng mga umano’y sangkot sa PDAF scam, aasikasuhin na ng DOJ

by dennis | May 12, 2015 (Tuesday) | 1453
File photo: UNTV Web.com
File photo: UNTV Web.com

Nilinaw ni Justice Secretary Leila De Lima na prayoridad parin ng DOJ ang pagsasampa ng kaso sa ikatlong batch ng mga indiibiduwal na umano’y sangkot sa pork barrel scam.

Sa panayam kanina ng media, hiniling ng kalihim na sana ay maintindihan ng publiko ang kaniyang kalagayan dahil sabay-sabay ang mga kasong dapat na asikasuhin ng kagawaran gaya ng Veloso case, iba’t ibang smuggling at tax evasion cases na linggo linggo ay isinasampa sa kagawaran.

Dagdag pa ni De Lima, inatasan na niya si DOJ Usec. Jose Justiniano na hawakan ang kaso sa PDAF scam at nakatakda silang magpulong ngayong hapon para pagusapan ang ikatlong batch at tanungin kung payag si Justiniano sa dalawang linggong palugit upang hingin ang pinal na rekomendasyon nito sa mga pakakasuhang mambabatas.

Matatandaang kinuwestiyon ni Atty. Levito Baligod ang hakbang ng DOJ dahil sa mistulang pagbalewala ng kagawaran sa pagsasampa ng kaso sa mga sangkot sa pork barrel scam.(Jerolf Acaba/UNTV Radio)

Tags: , , , ,