Paghahain ng COC ng mga nagnanais na tumakbo sa 2022 elections, simula na ngayong araw

by Erika Endraca | October 1, 2021 (Friday) | 7560

METRO MANILA – Simula na ngayong araw (October 1) ang paghahain ng Certificate of Candidacy (COC) ng mga tatakbo sa halalan sa susunod na taon

Kung dati ay isinasagawa ang COC filing sa central office ng Commission on Elections (Comelec) sa Maynila, ngayon ay inilipat ito sa 1 tent area sa Sofitel Hotel sa Pasay City.

Dito gagawin ang filing ng COC ng mga kakandidato sa pagka-pangulo, bise presidente, mga tatakbong senador pati na ang mga partylist.

Pagpasok sa venue, kailangang magpresinta ng negative result ng RT PCR o Antigen Test at health declaration form.

Nakasuot din dapat ng mask at face shield.

Kapag wala pang antigen test, may itinalagang area upang makapagpa-test ang mga ito

Kapag nagpositibo ay ilalagay sa isolation area at makipag-ugnayan ang Comelec sa LGU o sa Health Department.

Kapag negative naman ay pwede agad papasukin sa filing area para isumite ang kanilang COC na duly notarized, at may documentary stamp na.

Tatagal ang filing ng COC mula alas-8 ng umaga hanggang alas-5 ng hapon.

Tags: