Pagguho ng mga bato sa paligid ng Mt. Mayon, naitala ayon sa PHIVOLCS

by Radyo La Verdad | November 9, 2017 (Thursday) | 2922

Pinag-iingat ng lokal na pamahalaan ng Albay ang mga residenteng nakatira sa paligid ng Bulkang Mayon, ito ay matapos na makapagtala ng isang rock fall event o pagguho ng mga bato ang Philippine Institute of Volcanology and Seismology o PHIVOLCS sa nakalipas na dalawampu’t apat na oras

Bunsod ito ng paglambot ng lupa sanhi ng mga pag-ulan. Wala namang naitalang nasaktan sa insidente ngunit posibleng maulit pa ang mga ganitong pagguho.

Posible rin na magkaroon ng pagbuhos ng lahar na naipon sa itaas na bahagi ng bulkan dahil sa mga pag-ulan tulad na lamang ng nangyari noong bagyong Reming, labing isang taon na ang nakakaraan.

Samantala, sa kabila ng mga ipinakikitang abnormalidad sa paligid ng Mayon Volcano, nananatili namang kampante ang ilang mga residente nakatira malapit sa paligid ng bulkan.

Ayon sa mga ito, nasanay na sila sa mga ganitong pangyayari sa paligid ng bulkan. Ngunit mag-iingat pa rin umano sila at susundin ang payo ng mga otoridad.

Ngayong araw pupulungin naman ni Albay Governor Al Francis Bichara ang mga tauhan ng Provincial Disaster Risk Reduction and Management Council, PHIVOLCS at iba pang concerned agencies upang pag-usapan ang mga security measures na dapat magawa kaugnay ng mga aktibidad ng Bulkang Mayon.

 

( Allan Manansala / UNTV Correspondent )

 

Tags: , ,