Paggawa ng maraming evacuation center, ipinagutos ni Pang. Duterte; P30-B supplemental budget hiniling sa Kongreso

by Erika Endraca | January 21, 2020 (Tuesday) | 3064

METRO MANILA – Namigay ng mga relief goods sa Sto Tomas Batangas si Pangulong Rodrigo Duterte Kahapon (Jan. 20).

Laman nito ang mga hygiene kits, sleeping mats at coffee seedlings. Nagbigay din ng tulong pinansyal para sa mga apektadong magsasaka.

Sa kanyang speech ipinagutos nya ang pagtatayo ng maraming evecuation centers lalo na sa mga lugar na laging nakararanas ng kalamidad. Gaya ng Samar, Isabela, Cagayan at Batangas.

Sa ngayon kasi karamihan ng mga ginagawang evacuation center ay ang mga paaralan na nagiging dahilan rin kaya naaantala ang pasok ng mga estudyante.

“I’m urging Congress sa lahat ng areas na prone sa disaster na magkaroon ng mga evacuation center na malalaki lalo na ‘yung mga probinsya na nakaharap sa Pacific ocean,”ani Pres. Rodrigo Duterte.

Humiling rin ng ang Pangulo ng P30-B supplemental budget sa Kongreso para magamit ng pamahalaan sa mga apektadong residente lalo na kung tatagal pa sila sa mga evacuation center.

“I will ask congress to expedite to cover P30 billion. Iyong tulong, pati sa livestock, dadating ang tulong sa inyo maghintay lang kayo, and we will act fast. Sa tamang panahon dadating ang tulong sa inyo,” ani Pres. Rodrigo Duterte.

Samantala tiniyak naman ng Pangulo na makakarating sa mga apektadong pamilya ang tulong na nararapat sa kanila.

(Vincent Arboleda | UNTV News)

Tags: ,