Paggamit sa mga private roads upang mapaluwag ang trapiko, lalagyan ng limitasyon ng MMDA

by Radyo La Verdad | August 19, 2016 (Friday) | 813

mmda-logo
Walang dapat ipagalala ang mga homeowners association dahil sinigurado ng Metropolitan Manila Development Authority na lalagyan nila ng limitasyon ang planong paggamit sa mga private roads sa mga subdivision.

Ayon sa MMDA, naiintindihan ng pamahalaan ang ikinababahala ng mga homeowners hinggil sa seguridad ng kanilang mga subdivision.

Ipinaliwanag ng MMDA na ang pagpapahintulot sa mga private na sasakyan na makadaan sa mga private roads lalo na tuwing rish hour ng gabi at umaga ay malaing tulong upang mapaluwag ang trapiko sa Metro Manila.

Subalit ipununto ng MMDA na mangangailangan ng proteksyon ng batas upang maprotektahan ang seguridad ng mga residente sa mga subdivision.

(UNTV News)

Tags: ,