METRO MANILA – Inuutusan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga Law Enforcement Agency na arestuhin ang mga gumagamit ng vape at electronic cigarette (E-Cigarette) sa mga pampublikong lugar.
Ayon sa punong ehekutibo, higit na mapanganib sa kalusugan ang vaping kaysa sa paninigarilyo. Ginawa ng pangulo ang anunsyo sa isang Pulong Balitaan sa Malacañang Kagabi (Nov. 20).
“Vaping is also dangerous and I am banning it, and if you are smoking now, you will be arrested. I am banning the importation, customs you listen to it, I’m banning it all together” ani Pangulong Rodrigo Duterte.
Ayon sa Pangulo, una na niya isinapubliko ang kautusang ito subalit, maglalabas din siya ng Executive Order para gawing pormal ang kaniyang pinakahuling direktiba.
Kasunod ito ng unang kaso ng sakit bunsod ng vaping o ang tinatawag na electronic cigarette o vaping associated lung injury (E-VALI).
“I have that urgent power to do it, so I’m ordering it, the EO will follow I’m banning it because it’s contrary to public safety ” ani Pangulong Rodrigo Duterte.
(Rosalie Coz | UNTV News)
Tags: e-cigarettes, Vape